Pag-iisip ng Bayan

Maraming bagay na galing sa ibang bansa na makikita ngayon dito sa Pilipinas. Matataas din ang tingin ng mga Pilipino sa mga bagay na ito at sa mga tao na gumawa ng mga bagay na ito na galing sa ibang bansa. Madalas makikita sa panahon na ito ang kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino. Para sa kanila, ang mga tao na galing sa ibang bansa ay parang diyos na. Dahil sa impluwensya ng mga Kastila at mga Amerikano noon, mataas ang tingin nila sa mga dayuhan. Dahil sa kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino, mabilis nila tanggapin ang mga sinasabi ng mga dayuhan kahit mali ang sinasabi nila o mayroong masamang intensyon ito.

Sa libro ni Jose Rizal na “Noli me Tangere,” makikita rin ang kolonial na pag-iisip ng mga tao sa mga dayuhan. Mataas ang tingin ng mga Pilipino sa mga Kastila. Nakikita ito sa tingin nila sa mga pari, gobernador-heneral at kay Crisostomo Ibarra na pumunta sa Espanya para mag-aral doon. Kahit mataas ang tingin nila sa mga Kastila, hindi naman mabuti ang tingin ng lahat ng tao sa kanila. Mayroon mga tao sa “Noli me Tangere” na may gusto sa mga Kastila pero mayroon din na ayaw sa kanila. Sinusundan din ng mga tao ang pag-iisip na Purgatoryy kahit walang ebidansiya na mayroon talagang lugar na tawag Purgatoryo

Mayroon din akong kolonyal na pag-iisip sa mga dayuhan. Kapag may nakita ako na Amerikano, sa tingin ko, mayaman at malakas sila. Dahil sa pag-iisip ko, mahilig ako bumili ng mga produkto na galing sa ibang bansa at hindi ako masyadong bumibili ng mga bagay na ginawa dito sa Pilipinas. Nakikita talaga ang kolonyal na pag-iisip sa mga Pilipino sa panahon ito. Dahil sa pag-iisip natin, mas mahal ng maraming Pilipino ang ibang bansa kaysa sa Pilipinas.

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a comment